|
Ewan ko nga ba bakit bigla ko nang napabayaan 'tong blog ko. Dati naman pinipilit kong sumulat kahit isang beses sa isang buwan. Hindi ko man lang namalayan na lumipas na pala ang isang taon at dalawang buwan na wala man lamang akong nasulat. Kawawa naman. Kaya eto try ko ulet magsulat. Me gusto akong kainin. Gusto kong kumain ng champorado. Sana yung gawa ni Nanay( yung Lola ko. Nanay talaga sha ni Papa kaya lang nanay yung tawag ko sa kanya kase nga patay na talaga yung totoo kong nanay). Masarap kase magluto si Nanay ng champorado. Perfect! Yung di masyadong matubig, malapot yung sabaw tapos di mapait yung timpla ng cocoa. Tsaka purong malagkit lang yung ginagamit nya. Ayoko ng gatas na evap sa champorado, mas gusto ko yung powder. Kase yung evap humahalo sa sabaw, tapos brown na din sha. Parang wala ng pinag-kaiba. Eh yung powder pag nilalagay sa champorado, pwedeng hindi haluin, sa ibabaw mo lang ilagay tapos kainin mo na. Pag wala ng gatas yung ibabaw nun, lagyan mo ulet hanggang sa maubos. Magastos no? Pero masarap naman. Na-try nyo na bang isabaw sa kanin yung Kapeng Barako? Masarap sha, pramis. Sa Batangas kase eto yung madalas na almusal. Mas madalas pa 'tong kainin kesa sa pandesal. Si Inay naman ang nagturo sa'kin na kumain ng sinabawang kanin. Si Inay yung nanay ni Mama, hinahain nya 'to na me kasamang tuyo. Nung una ayoko kase laking Maynila ako. Ayoko yung kape nila sa probinsya...madumi. Me latak kase. Pag sanay kang uminom ng Milo at Nescafe na galing sa grocery, eh mahihirapan kang mag-adjust sa lasa. Pati na sa texture. Pero nung natikaman ko, aba'y masarap din naman pala. Kakaiba. Pero masarap. Kahit wala na yung totoo kong nanay, blessed pa rin ako. Kase dalawa naman yung naging kapalit nya. Parehong magaling magluto, maputi maglaba ng damit, maalaga, at higit sa lahat mahal ako, kaming lahat na mga apo nya. Mahigpit lang talaga ang mga nanay no? Pero ngayong malaki na ko, mas lalo kong na-appreciate si Nanay at si Inay. Lahat ng bilin, paalala, at pati na yung walang kamatayang bilin na "pagtulog sa tanghali". Di ko 'to madalas sabihin sa kanilang dalawa, kung gano ka sila kamahal. Pero alam ko ramdam naman nila yun pag nagmamano ako at humahalik sa kanila. Pareho silang malayo sa 'kin ngayon, si Nanay nasa Dasma, si Inay naman nasa Batangas. Kaya excited na kong magbakasyon, para makita ko n silang dalawa. Oo nga pala, meron akong pangatlong nanay. Si Tita Sonia, yung stepmom ko. |
| Leave a Comment: |