ako si grAciE.


i sing. i dance. i act. i laugh. i cry. i eat. i drink (syempre!). i read (as in!). now, i'll try to write.
   

<< July 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31








 
Friday, February 03, 2006
mga lobo

Andaming lobo. Pag napapadaan ako sa me bandang Luneta madami pa ring nagtitinda ng lobo.Iba't ibang kulay at hugis.Meron naka-drowing at meron ding wala. Me nabibiling nasa istik at nakatali.

Naalala ko yung huling beses na bumili ako ng lobo.Bertdey yun ni Ivy,labinlimang piraso ng lobo at nakalagay sa mga istik. Nagpunta ko dun sa isang karinderia,me paskil kase silang gumagawa sila nun.Sa madaling salita eh nag order ako nung hapon ding yun,sinabing babalikan ko yung mga lobo ng alas nueve ng umaga. Kase bukas pa yung bertdey.

Kaya lang nung balikan ko nung umaga,sabi ni Aling Mameng di pa raw tapos,lalagyan pa daw ng "label" balikan ko na lang daw sa hapon mga alas kwatro.Eh ano pa nga bang magagawa ko,alangan namang wala man lang sulat yung mga lobo maski ano.Dahil masunurin akong bata,binalikan ko.

Alas kwatro na! Ayan tapos na ang mga lobo! Binayaran ko na sya,kaso sabi nung isang mama di daw nila ko ihahatid kase me ekstrang bayad ang pag deliver ng mga lobo.Syempre nagulat ako,tinanong ko kung kasama na yun sa binayaran ko. Diba parang lugi na nga ako kase pinag-intay nila ko ng buong araw? Biruin mo, singkwenta pesos ang sinisingil nya sa kin, eh ang lapit lang kaya ng opisina namin. Kaya nagdesisyon akong ako na lang ang magbubuhat ng mga lobo! Sabi ko sa sarili ko ang gaan-gaan ng mga lobo tapos ang mahal ng sisingilin nya sa kin.

 Paglabas ko ng karinderia,naghanap agad ako ng traysikel.Walang dumadaan,tsk tsk tsk puro dyip. Habang nakatayo at nag-iintay ako, me mga ilang batang napadaan.Lahat sila tumingin sa akin. Me isang naglakas ng loob na ngumiti at manghingi. Mukhang napagkamalan nya kong nagtitinda ng lobo.

Makalipas ang ilang minuto at wala pa ring traysikel na napapadaan,sumakay na ako ng dyip. Kaya ko 'to ang sabi ko sa sarili ko. Ang gaang ata ng mga lobo. Pagtakbo ng dyip dun ko lang naisip bakit mahal ang singil ng mamang taga-deliver ng lobo.Mahirap pala.

Habang naka-upo ka sa tabi ng mamang driver,ginagamit mo yung kaliwang kamay mo para magbayad ng pamasahe.Yung kanan naman ang me hawak sa napakaraming lobo,habang umaandar yung dyip.Maraming dahilan kung bakit ko nasabi yun. Yung hanging humahampas kapag umaandar na yung dyip, kaya dapat yung kamay mo eh mala-poste sa tibay. Yung mga kasunod nyo na dyip na namamasada din nakita na nga na  me mga lobo kang hawak, gigit-gitin ka pa.

Hala,di ko alam na delikado palang mag-deliver ng mga lobo. Nakakatakot,ang daming pwedeng mangyari sayo habang nasa daan ka. At mas nakakatakot yung posibilidad na pumutok yung mga hawak mong lobo,na hindi mo man lang mapapakinabangan. Hindi siguro masayang makita na puro istik lang ang hawak mo.  

Naranasan ko na ring makapagpalipad ng mga lobo. Madaming beses lalo na nung bata pa ko. Hindi naman sadya yun eh,naiiyak pa nga ako kapag ganun ang nangyari.Nakapagsulat na rin ako kay Santa dati,di ko pa kase alam yung Post Office kaya pinadala ko sa pamamagitan ng lobo. Nung January 1 nga nagpalipad kami ni Apol ng dalawang lobo.Yung sa kin me nakataling prayers(wishlist para kay Apol),yung sa kapatid ko drowing ng bike.

Sigurado akong hindi ko kailangang gumamit ng lobo pag sa Diyos ako susulat, di rin uso ang FEDEX at pati na ang email. Mas mabilis kung ipipikit ko ang mga mata ko at sasabihin ng mga labi ko. Maski nga di ako magsalita alam pa rin Niya laman ng puso ko.

Don't worry about anything; instead pray about everything. Tell God what you need, and thank him for all he has done.

                                                       Philippians 4:6

 


Posted at 8:35 pm by gorjus_gracie
(2) humirit  

 
Saturday, November 12, 2005
imbisibol
Nung bata pa ko,madalas ako manood ng mga cartoons.
Idol na idol ko talaga ang mga superheroes, ginagaya ko pa nga sila. Naglalagay pa ko nun ng kumot sa likod baka kasi sakaling makalipad ako. Pati na yung mga fighting scenes nila pinapraktis ko sa mga kapatid ko, kaya madalas din ako mapalo ni Nanay.

Pero ngayon, isa lang sa mga powers nila ang gusto ko. Ang maging imbisibol.
Lahat ata ng tao nakakaranas ng problema. Mayaman ka, mahirap ka me problema ka pa rin. Lalo na siguro kung ang problema mo ang sarili mo.
Kapag me problema ka, ang tendency mo magtago. Parang gusto mo ng butasan yung dingding at gayahin ang mga daga. O kaya mamundok at mag ala-ermitanyo muna. 

Ako, i try not to feel.
Shut off o kaya shut down ang drama ko. Siguro kung imbisibol ako di masyadong halata.
Na nasasaktan ako. Mababawasan yung sakit kasi di ka nakikita at ikaw lang ang nakaka-alam.
Maliit na ang tsansang masaktan ka.
Sa isang relasyon, di maiiwasang mag-invest ng feelings. Pamilya mo,kaibigan,kapitbahay o kahit na sinong tao na naging malapit sayo. Mas madalas pa nga na mas mahirap tanggapin na sinaktan ka ng mga taong malapit sayo. Sadya man o hindi masakit pa rin.

Natatakot ako.
Baka kasi di ko na kaya.
Ang pagbabago, sa lahat, sa sarili ko. Nababalot na ata ko ng takot. Masaktan, makasakit ng iba. Baka makalimutan ko bakit ako nandito sa mundo. Minsan gusto ko munang mag-isa.
Madalas akong mapagod. Marami din akong disappointments, failures. Nakakaramdam din ako ng depression at minsan nawawalan din ako ng pag asa.

But Jesus said, i came to give life- life in all its fullness.(John 10:10 NCV)

Saka ko lang ma-iisip na hindi nga pala ko nag-iisa.
Kasama ko si Hesus, pwede ko palang isigaw na di ko na kaya. Kailangan ko lang manampalataya. Imbisibol sya sa iba, pero di sa akin. 

Never alone.

Posted at 8:15 pm by gorjus_gracie
(2) humirit  

 
Friday, October 07, 2005
...
The worst way to miss someone
is to be sitting right beside them
knowing that you can't have them.

Posted at 2:11 am by gorjus_gracie
(4) humirit  

 
Thursday, October 06, 2005
perfect gentleman
Isandaang beses ko na ata napanood ang Sleepless in Seattle. Hindi talaga ko nagsasawang manood ng mga pelikulang love story ang tema. Napupuyat ako kaka-abang ng mga paborito kong Koreanovela,at ilang ulit ko ng nabasa ang mga romantic novels na meron ako. Sa katunayan,natapos ko na yung librong ipinahiram sa akin ng pinsan ko. At ang title nya ay...dyarannn P.S. I Love You.

How i wish na ako yung bidang babae sa istorya,at me biglang darating na...wicked stepmother?Lalabanan ko sya at sabay ililigtas ko si prince charming and we will live happilly ever after. Hindi naman talaga ito ang kwento nung libro,biro lang.

Bilib talaga ko mga bidang lalaki sa mga nobela. Maginoo,magalang,mabait at me respeto sa kapwa bonus na nga lang kung gwapo sya at kung malinis anng kuko sa paa. Di ko nga lng yun makikita,dahil nakasulat lang sya.Tara na't obserbahan natin ang makabagong Prince Charming!

Palagi kasi akong sumasakay sa MRT.Natayo mula Boni hanggang Taft.Hindi ko kase matiis na hindi ibigay yung upuan ko sa mga buntis,matatanda,bata,at sa mga babaeng napakaraming dala-dala. Iniisip ko kase na ke Nanay ko ibinibigay yung upuan ko. At kung halimbawang di ako kasama ni Nanay eh me magpapa-upo din sa kanya tulad ng ginagawa ko.

Napansin ko lang na marami atang lalaki ang ANTUKIN. Sa dinami dami ng mga energy drink sa Pilipinas eh hindi ata yun iniinom ng mga lalake na madalas kong nakakasabay sa MRT. Pano ba naman, pag naka-upo na sila at biglang me natapat na babae sa harap nila na tila gustong hingin yung upuan eh BIGLANG NAWAWALAN NG MALAY.(hihikab sabay pipikit hmm...)

      Naubos na ba ang mga gentleman sa Pinas?

Hindi ko alam kung tama nga ba yung tanong ko.At kung dapat ko bang hanapin yun sa kasalukuyan.

1.Yung tipong papaunahin ka sa jeep,aabutin ang kamay mo pag bababa ka na. Sasamahan kang tumawid at dun sya sa "danger zone".

2.Tutulungan ka magpulot ng mga gamit mong nalaglag,sabay hingi ng paumanhin sa pagkakabangga nya sayo.

3.Ipagbubukas ka ng pinto...wag lang siguro pintuan ng CR

4.Mauunang bumaba sa jeep sabay aabutin yung kamay mo para alalayan ka.

Sakripisyo.Yun siguro ang masasabi ng iba pero di ko naman ipipilit ang ideyang ito.
Naalala ko lang, parang ang Diyos. Kahit gusto ka nyang baguhin,hindi niya ipipilit.
Hahayaan ka nyang mag desisyon. Yan ang perfect gentleman.


Posted at 11:58 pm by gorjus_gracie
hirit ka?  

 
Tuesday, September 13, 2005
sinagot ko na


Seven things that scare me...
1.IPIS(yung gumagapang at lalo na yung lumilipad!)
2.GULAY(kumakain naman ako kaya lang di lahat...)
3.Dementors bwa ha ha ha
4.Ayokong makulong,napanood ko kasi yung Bulaklak ng City Jail
5.Maiwan pag nag rapture,kakatakot!
6.Pag di na siguro uso ang patis
7.MEATBALLS na galing sa youth camp 


Seven things i like the most...
1.TSOKOLATE
2.LIBRO
3.Pagkain,lalo na pag luto ng lola ko
4.Youth camp! kahit me nakakatakot na MEATBALLS pag thursday night
5.Patis
6.Mga umagang di ka nagmamadali @ marami akong oras para mag gud am kay GOD
7.Lumang pelikula as in LVN @ Sampaguita pictures


Seven important things in my room...
1.Yung mga libro ko
2.Yung kama
3.Electric fan
4.Flash light (di ako takot sa dilim,para lang pag nagbrown-out mababasa ko pa rin ung libro ko) 
5.Dalawang unan na bagong palit yung punda (di naman ako nag-uunan,niyayakap ko lang sila)
6.Kumot
7.Tuwalya,gusto ko kase pag-gising ko hawak ko sya sabay takbo sa banyo


Seven random facts about me...
1.Mahilig akong kumain
2.Makulit
3.Mahilig manood ng mga romantic films ng paulit-ulit,hanggang sa masa-ulo ko yung lines 
4.Mas gusto kong ako ang nagbibigay
5.Kumakain ng manga kahit umaga
6.Malakas akong tumawa
7.Mababaw ang luha ko


Seven things i plan to do before i die...
1.Pumunta sa LOUVRE MUSEUM
2.Magkaron ng bahay na may swimming pool
3.Makapag-aral ulit
4.Ipamana ang mag ari-arian ko kung meron man
5.Ipasyal ang lola ko sa ibang bansa
6.Makasama sa isang mission trip
7.Mabasa lahat ng mga librong gusto ko


Seven things i can do...
1.Magluto ng pancit canton,na-master ko na kung ilang minutes dapat pakuluan
2.Maglaba
3.Maglinis ng bahay
4.Magplantsa
5.Mamalengke
6.Mag-order ng pagkain sa pamamagitan ng telepono
7.Tumawad,nakuha ko na yan sa lola ko
Feeling ko lang,ready na talaga ko.Kaya lang di ka pa ready...

Seven things i can't do...
1.Magluto ng totoo
2.Maglinis ng isda
3.Maglinis ng sarili kong electric fan,kaya laging nagagalit ang ate ko.Pwede na daw kase magtanim.
4.Magbake,sarap sana lalo na't mahilig ako sa cakes
5.Ipilit ang sarili ko sa iba
6.Mag alaga ng baby,para kasing madudurog ko sya sa sobrang gigil ko
7.Humawak ng me kuryente


Seven things that attract me to the opposite sex...
1.Mahal si GOD
2.Marunong magbasa
3.Medyo matalino, para masarap kausap dyahe naman kung ako na lang parati yung nagsasalita
4.Ugali
5.Mas matangkad sa kin
6.Dapat kumakanta
7.Malinis na kuko sa paa


Seven things i say the most...
1.Bwa ha ha ha
2.Adik
3.Me crush ka sa kin no?
4.Grabe!
5.Hindi ako maganda,seksi lang
6.Wag masyadong malakas at baka ma-discover ako
7.Hala,nagyayakapan na naman sila!


Seven celebrity crushes...
1.John Cusack
2.George Clooney
3.Denzel Washington
4.Tom Hanks
5.Bill Pullman
6.Usher
7.Mike Tan
























Posted at 10:12 pm by gorjus_gracie
(2) humirit  

Previous Page Next Page