ako si grAciE.


i sing. i dance. i act. i laugh. i cry. i eat. i drink (syempre!). i read (as in!). now, i'll try to write.
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30





rss feed



 
Monday, June 12, 2006
nawawala

Lagi akong nakakawala ng mga bagay. Madalas galit ako lalo na kapag hindi ko talaga makita yung hinahanap ko. Malilimutin kase ako. Nung bata nga ako nailagay ko sa loob ng ref namin yung notebook ko eh, kinuha ko kase dun yung baon ko na juice tapos hawak ko pala yung assignment notebook ko nun. Pagpasok ko sa school di ko na dala yung notebook ko...pero nadala ko yung juice. Siyempre umiyak ako at nagmadaling umuwi sa bahay (malapit lang kase yung bahay namin, pwedeng takbuhin) iniyakan ko ang lola ko at sinabing nawawala nga yung notebook ko. Hala, mga 5:30 ng umaga nag-general cleaning na kami.Galit na galit nga yung mga tao nun sa bahay mantakin mo ng dahil lang sa isang notebook.

"Ligawin din ako". Hindi ito yung maraming lalaking me gusto sa'kin. Ang ibig kong sabihin madalas din akong mawala. Maligaw sa madaling salita, minsan na rin akong nakarating sa Rotonda. Pasay Rotonda, at hindi Welcome Rotonda kung san kami nakatira. HIndi naman kasi nabanggit sa akin na madami pa lang Rotonda sa PIlipinas.

Bigla ko tuloy naisip,anong gagawin mo pag nalaman mo na walang nagmamahal sa'yo?

Ang lungkot siguro nun, naniniwala ako na walang taong nag-iisa. Andyan ang pamilya, mga kaibigan na handang tumulong sayo. Pero kung minsan, feeling mo di pa rin sapat yun. Parang ako, pag nawalan ako ng isang bagay na mahalaga sa 'kin aaminin kong masakit talaga. Yun ngang mga bagay iniiyakan natin, eh di lalo na pag tao yung nawala.

Hindi ko sinasabing namatay sya, pero yung tipong alam mong unti-unti syang nawawala sayo. Di mo talaga kontrolado yun. Ang kontrol mo lang pwede ka pa ring magmahal. Pag nawala sya at sobrang nalungkot ka, kasalanan mo na yun kasi nag-invest ka sa isa lang. Pwede namang magmahal ng madami, ika nga ni Lea (aka Vilma Santos-sa pelikulang "Bata,bata pa'no ka ginawa?) ang love minu-multiply.   

Mas madalas na naka-concentrate tayo sa mga bagay o taong nawala sa atin. Tingin ko natural lang yun, ito siguro ang nagpapakitang mahalaga sila. Dapat siguro magpasalamat tayo sa Diyos na nagpahiram nito sa atin.

Are you afraid of possible losses? ako, oo. Mapa-bagay o tao ang mawala masasaktan pa rin ako. Pero ayokong maging biktima ng takot ko sa mga nawala at mawawalang bagay in the near future.

"For everything that was written in the past was written to teach us, so that through endurance and encouragement of the Scriptures we might have hope"

-Romans 15:4


Posted at 7:15 pm by gorjus_gracie
hirit ka?  

 
Thursday, February 16, 2006
perfect gentleman 2

Dapat mas mahal nya si God kesa sa 'kin, kase siguradong hindi nya ko kayang saktan. Dapat mahilig din sya sa mga libro, kase parte na yun ng buhay ko. Dapat me utak sya, hindi naman masyadong matalino pero yung pwede mong maka-usap ng normal. Me magandang ugali, matangkad (sabi kase ng lola ko "improve the race") lahi kase kami ng maiiksi ang mga braso. Kung pwede sana kumakanta na nasa tono. At higit sa lahat malinis ang kuko sa paa.

Katatapos lang ng Youth Night, nakakapagod. Me special seminar na inihanda sila pastor,pinaghiwalay kase nila ang mga babae at lalaki. Si pastor ang speaker ng mga lalaki at yung asawa naman nya ang sa amin.

Madalas na itong gawin sa church.Tinataon na kapag Pebrero  me LCDM (Love,Courtship,Dating,Marriage) na ginagawa sa lahat ng chapter ng church namin. Kahit siguro sa inyo meron nito. Sa unang bahagi ng programa me ipapalabas na dokyu ng mga kabataang naliligaw ng landas. Nagpapakita ng realidad, mga pangyayaring nagaganap sa isang kabataan.

Maya-maya tumayo na yung asawa ni pastor at nagsalita patungkol sa mga karanasan nya bilang kabataan noon. Marami syang nai-kwentong nakakatawa, nakaka-iyak, nakaka-kilig at syempre kung paano sya niligawan ni pastor. Feeling ko naman eh me natutunan ako.

Inobserbahan ko yung mga katabi ko, tingin ko mga nasa kolehiyo pa sila. Bihira kasing makapunta yung me mga trabaho pag Youth Night, yung iba maaga daw parati ang pasok sa opis. Yung iba naman pagod na. At yung iba ipapahinga na lang daw nila yung araw na yun at babawi na lang pag Linggo. Sa tingin ko karamihan sa kanila ang edad nasa 18-22.

Habang me nagsasalita sa harapan di ko maiwasang marinig yung pinag-uusapan nila. Mukhang marami silang itatanong mamaya. Panay ang kuha nila ng mga papel na ipinamigay kanina,dun mo kase isusulat yung mga tanong na di mo kayang sabihin sa grupo. Mukhang mas ok nga yun at least di pa nila malalaman na ikaw yung nagtatanong. Medyo maingay ng konti pero di naman mapapansin kung itutuon mo yung pansin mo sa speaker.

Buti na lang me mga seminar na katulad nito. Nasasagot yung mga tanong na di mo kayang sabihin. Me kapareho ka pala ng sitwasyon, di ka nag-iisa. Maraming tao ang pwedeng magpayo sayo, magbasa ng mga librong maaring makatulong para lumawak ang nalalaman mo. Pero pwede mong buklatin yung Bible sa tabi mo para mabasa mo yung mga loveletters ng Diyos sayo. Araw-araw laging bago.   

 Wala sigurong makakapagsabi ng mga standards pagdating sa ganitong bagay. Sino nga ba si perfect man? At saan ba sya matatagpuan? Na para bang nakasalalay ang buong buhay mo sa isang taong ayaw magpakita sayo. Naalala ko lang yung isang tanong dun sa Ms.Universe pageant na napanood ko, "What is the essence of being a woman?". Para sa 'kin hindi lang pagiging isang ina ang batayan, hindi rin ang pagkakaroon ng boyfriend. Kundi ang  pagkakaroon ng relasyon sa Kanya.  And in order to find the perfect man, i have to be the perfect me. (tama po ba yung ingles ko?paki-edit na lang po:-)

 

 


Posted at 7:21 pm by gorjus_gracie
(1) humirit  

 
Friday, February 03, 2006
mga lobo

Andaming lobo. Pag napapadaan ako sa me bandang Luneta madami pa ring nagtitinda ng lobo.Iba't ibang kulay at hugis.Meron naka-drowing at meron ding wala. Me nabibiling nasa istik at nakatali.

Naalala ko yung huling beses na bumili ako ng lobo.Bertdey yun ni Ivy,labinlimang piraso ng lobo at nakalagay sa mga istik. Nagpunta ko dun sa isang karinderia,me paskil kase silang gumagawa sila nun.Sa madaling salita eh nag order ako nung hapon ding yun,sinabing babalikan ko yung mga lobo ng alas nueve ng umaga. Kase bukas pa yung bertdey.

Kaya lang nung balikan ko nung umaga,sabi ni Aling Mameng di pa raw tapos,lalagyan pa daw ng "label" balikan ko na lang daw sa hapon mga alas kwatro.Eh ano pa nga bang magagawa ko,alangan namang wala man lang sulat yung mga lobo maski ano.Dahil masunurin akong bata,binalikan ko.

Alas kwatro na! Ayan tapos na ang mga lobo! Binayaran ko na sya,kaso sabi nung isang mama di daw nila ko ihahatid kase me ekstrang bayad ang pag deliver ng mga lobo.Syempre nagulat ako,tinanong ko kung kasama na yun sa binayaran ko. Diba parang lugi na nga ako kase pinag-intay nila ko ng buong araw? Biruin mo, singkwenta pesos ang sinisingil nya sa kin, eh ang lapit lang kaya ng opisina namin. Kaya nagdesisyon akong ako na lang ang magbubuhat ng mga lobo! Sabi ko sa sarili ko ang gaan-gaan ng mga lobo tapos ang mahal ng sisingilin nya sa kin.

 Paglabas ko ng karinderia,naghanap agad ako ng traysikel.Walang dumadaan,tsk tsk tsk puro dyip. Habang nakatayo at nag-iintay ako, me mga ilang batang napadaan.Lahat sila tumingin sa akin. Me isang naglakas ng loob na ngumiti at manghingi. Mukhang napagkamalan nya kong nagtitinda ng lobo.

Makalipas ang ilang minuto at wala pa ring traysikel na napapadaan,sumakay na ako ng dyip. Kaya ko 'to ang sabi ko sa sarili ko. Ang gaang ata ng mga lobo. Pagtakbo ng dyip dun ko lang naisip bakit mahal ang singil ng mamang taga-deliver ng lobo.Mahirap pala.

Habang naka-upo ka sa tabi ng mamang driver,ginagamit mo yung kaliwang kamay mo para magbayad ng pamasahe.Yung kanan naman ang me hawak sa napakaraming lobo,habang umaandar yung dyip.Maraming dahilan kung bakit ko nasabi yun. Yung hanging humahampas kapag umaandar na yung dyip, kaya dapat yung kamay mo eh mala-poste sa tibay. Yung mga kasunod nyo na dyip na namamasada din nakita na nga na  me mga lobo kang hawak, gigit-gitin ka pa.

Hala,di ko alam na delikado palang mag-deliver ng mga lobo. Nakakatakot,ang daming pwedeng mangyari sayo habang nasa daan ka. At mas nakakatakot yung posibilidad na pumutok yung mga hawak mong lobo,na hindi mo man lang mapapakinabangan. Hindi siguro masayang makita na puro istik lang ang hawak mo.  

Naranasan ko na ring makapagpalipad ng mga lobo. Madaming beses lalo na nung bata pa ko. Hindi naman sadya yun eh,naiiyak pa nga ako kapag ganun ang nangyari.Nakapagsulat na rin ako kay Santa dati,di ko pa kase alam yung Post Office kaya pinadala ko sa pamamagitan ng lobo. Nung January 1 nga nagpalipad kami ni Apol ng dalawang lobo.Yung sa kin me nakataling prayers(wishlist para kay Apol),yung sa kapatid ko drowing ng bike.

Sigurado akong hindi ko kailangang gumamit ng lobo pag sa Diyos ako susulat, di rin uso ang FEDEX at pati na ang email. Mas mabilis kung ipipikit ko ang mga mata ko at sasabihin ng mga labi ko. Maski nga di ako magsalita alam pa rin Niya laman ng puso ko.

Don't worry about anything; instead pray about everything. Tell God what you need, and thank him for all he has done.

                                                       Philippians 4:6

 


Posted at 8:35 pm by gorjus_gracie
(2) humirit  

 
Saturday, November 12, 2005
imbisibol
Nung bata pa ko,madalas ako manood ng mga cartoons.
Idol na idol ko talaga ang mga superheroes, ginagaya ko pa nga sila. Naglalagay pa ko nun ng kumot sa likod baka kasi sakaling makalipad ako. Pati na yung mga fighting scenes nila pinapraktis ko sa mga kapatid ko, kaya madalas din ako mapalo ni Nanay.

Pero ngayon, isa lang sa mga powers nila ang gusto ko. Ang maging imbisibol.
Lahat ata ng tao nakakaranas ng problema. Mayaman ka, mahirap ka me problema ka pa rin. Lalo na siguro kung ang problema mo ang sarili mo.
Kapag me problema ka, ang tendency mo magtago. Parang gusto mo ng butasan yung dingding at gayahin ang mga daga. O kaya mamundok at mag ala-ermitanyo muna. 

Ako, i try not to feel.
Shut off o kaya shut down ang drama ko. Siguro kung imbisibol ako di masyadong halata.
Na nasasaktan ako. Mababawasan yung sakit kasi di ka nakikita at ikaw lang ang nakaka-alam.
Maliit na ang tsansang masaktan ka.
Sa isang relasyon, di maiiwasang mag-invest ng feelings. Pamilya mo,kaibigan,kapitbahay o kahit na sinong tao na naging malapit sayo. Mas madalas pa nga na mas mahirap tanggapin na sinaktan ka ng mga taong malapit sayo. Sadya man o hindi masakit pa rin.

Natatakot ako.
Baka kasi di ko na kaya.
Ang pagbabago, sa lahat, sa sarili ko. Nababalot na ata ko ng takot. Masaktan, makasakit ng iba. Baka makalimutan ko bakit ako nandito sa mundo. Minsan gusto ko munang mag-isa.
Madalas akong mapagod. Marami din akong disappointments, failures. Nakakaramdam din ako ng depression at minsan nawawalan din ako ng pag asa.

But Jesus said, i came to give life- life in all its fullness.(John 10:10 NCV)

Saka ko lang ma-iisip na hindi nga pala ko nag-iisa.
Kasama ko si Hesus, pwede ko palang isigaw na di ko na kaya. Kailangan ko lang manampalataya. Imbisibol sya sa iba, pero di sa akin. 

Never alone.

Posted at 8:15 pm by gorjus_gracie
(2) humirit  

 
Friday, October 07, 2005
...
The worst way to miss someone
is to be sitting right beside them
knowing that you can't have them.

Posted at 2:11 am by gorjus_gracie
(4) humirit  

Previous Page Next Page