ako si grAciE.


i sing. i dance. i act. i laugh. i cry. i eat. i drink (syempre!). i read (as in!). now, i'll try to write.
   

<< June 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30








 
Monday, June 12, 2006
nawawala

Lagi akong nakakawala ng mga bagay. Madalas galit ako lalo na kapag hindi ko talaga makita yung hinahanap ko. Malilimutin kase ako. Nung bata nga ako nailagay ko sa loob ng ref namin yung notebook ko eh, kinuha ko kase dun yung baon ko na juice tapos hawak ko pala yung assignment notebook ko nun. Pagpasok ko sa school di ko na dala yung notebook ko...pero nadala ko yung juice. Siyempre umiyak ako at nagmadaling umuwi sa bahay (malapit lang kase yung bahay namin, pwedeng takbuhin) iniyakan ko ang lola ko at sinabing nawawala nga yung notebook ko. Hala, mga 5:30 ng umaga nag-general cleaning na kami.Galit na galit nga yung mga tao nun sa bahay mantakin mo ng dahil lang sa isang notebook.

"Ligawin din ako". Hindi ito yung maraming lalaking me gusto sa'kin. Ang ibig kong sabihin madalas din akong mawala. Maligaw sa madaling salita, minsan na rin akong nakarating sa Rotonda. Pasay Rotonda, at hindi Welcome Rotonda kung san kami nakatira. HIndi naman kasi nabanggit sa akin na madami pa lang Rotonda sa PIlipinas.

Bigla ko tuloy naisip,anong gagawin mo pag nalaman mo na walang nagmamahal sa'yo?

Ang lungkot siguro nun, naniniwala ako na walang taong nag-iisa. Andyan ang pamilya, mga kaibigan na handang tumulong sayo. Pero kung minsan, feeling mo di pa rin sapat yun. Parang ako, pag nawalan ako ng isang bagay na mahalaga sa 'kin aaminin kong masakit talaga. Yun ngang mga bagay iniiyakan natin, eh di lalo na pag tao yung nawala.

Hindi ko sinasabing namatay sya, pero yung tipong alam mong unti-unti syang nawawala sayo. Di mo talaga kontrolado yun. Ang kontrol mo lang pwede ka pa ring magmahal. Pag nawala sya at sobrang nalungkot ka, kasalanan mo na yun kasi nag-invest ka sa isa lang. Pwede namang magmahal ng madami, ika nga ni Lea (aka Vilma Santos-sa pelikulang "Bata,bata pa'no ka ginawa?) ang love minu-multiply.   

Mas madalas na naka-concentrate tayo sa mga bagay o taong nawala sa atin. Tingin ko natural lang yun, ito siguro ang nagpapakitang mahalaga sila. Dapat siguro magpasalamat tayo sa Diyos na nagpahiram nito sa atin.

Are you afraid of possible losses? ako, oo. Mapa-bagay o tao ang mawala masasaktan pa rin ako. Pero ayokong maging biktima ng takot ko sa mga nawala at mawawalang bagay in the near future.

"For everything that was written in the past was written to teach us, so that through endurance and encouragement of the Scriptures we might have hope"

-Romans 15:4


Posted at 7:15 pm by gorjus_gracie

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry