Dapat mas mahal nya si God kesa sa 'kin, kase siguradong hindi nya ko kayang saktan. Dapat mahilig din sya sa mga libro, kase parte na yun ng buhay ko. Dapat me utak sya, hindi naman masyadong matalino pero yung pwede mong maka-usap ng normal. Me magandang ugali, matangkad (sabi kase ng lola ko "improve the race") lahi kase kami ng maiiksi ang mga braso. Kung pwede sana kumakanta na nasa tono. At higit sa lahat malinis ang kuko sa paa.
Katatapos lang ng Youth Night, nakakapagod. Me special seminar na inihanda sila pastor,pinaghiwalay kase nila ang mga babae at lalaki. Si pastor ang speaker ng mga lalaki at yung asawa naman nya ang sa amin.
Madalas na itong gawin sa church.Tinataon na kapag Pebrero me LCDM (Love,Courtship,Dating,Marriage) na ginagawa sa lahat ng chapter ng church namin. Kahit siguro sa inyo meron nito. Sa unang bahagi ng programa me ipapalabas na dokyu ng mga kabataang naliligaw ng landas. Nagpapakita ng realidad, mga pangyayaring nagaganap sa isang kabataan.
Maya-maya tumayo na yung asawa ni pastor at nagsalita patungkol sa mga karanasan nya bilang kabataan noon. Marami syang nai-kwentong nakakatawa, nakaka-iyak, nakaka-kilig at syempre kung paano sya niligawan ni pastor. Feeling ko naman eh me natutunan ako.
Inobserbahan ko yung mga katabi ko, tingin ko mga nasa kolehiyo pa sila. Bihira kasing makapunta yung me mga trabaho pag Youth Night, yung iba maaga daw parati ang pasok sa opis. Yung iba naman pagod na. At yung iba ipapahinga na lang daw nila yung araw na yun at babawi na lang pag Linggo. Sa tingin ko karamihan sa kanila ang edad nasa 18-22.
Habang me nagsasalita sa harapan di ko maiwasang marinig yung pinag-uusapan nila. Mukhang marami silang itatanong mamaya. Panay ang kuha nila ng mga papel na ipinamigay kanina,dun mo kase isusulat yung mga tanong na di mo kayang sabihin sa grupo. Mukhang mas ok nga yun at least di pa nila malalaman na ikaw yung nagtatanong. Medyo maingay ng konti pero di naman mapapansin kung itutuon mo yung pansin mo sa speaker.
Buti na lang me mga seminar na katulad nito. Nasasagot yung mga tanong na di mo kayang sabihin. Me kapareho ka pala ng sitwasyon, di ka nag-iisa. Maraming tao ang pwedeng magpayo sayo, magbasa ng mga librong maaring makatulong para lumawak ang nalalaman mo. Pero pwede mong buklatin yung Bible sa tabi mo para mabasa mo yung mga loveletters ng Diyos sayo. Araw-araw laging bago.
Wala sigurong makakapagsabi ng mga standards pagdating sa ganitong bagay. Sino nga ba si perfect man? At saan ba sya matatagpuan? Na para bang nakasalalay ang buong buhay mo sa isang taong ayaw magpakita sayo. Naalala ko lang yung isang tanong dun sa Ms.Universe pageant na napanood ko, "What is the essence of being a woman?". Para sa 'kin hindi lang pagiging isang ina ang batayan, hindi rin ang pagkakaroon ng boyfriend. Kundi ang pagkakaroon ng relasyon sa Kanya. And in order to find the perfect man, i have to be the perfect me. (tama po ba yung ingles ko?paki-edit na lang po:-)
Posted at 7:21 pm by gorjus_gracie
 | Posted by bijoiski @ 02/19/2006 06:52 PM PST |  |
| korek ka dyan. :) naway mahanap ka na ng prinsipe ng buhay mo. ashu shu. lab you pare pa kiss. |
 |