ako si grAciE.
i sing. i dance. i act. i laugh. i cry. i eat. i drink (syempre!). i read (as in!). now, i'll try to write.
|
 |
Pasukan na naman. Ibig sabihin may assignment. May magpapaturo
kung pano gawin yung assignment nila. Nung bata ako, palagi akong
nagpapatulong gumawa ng assignment, kundi kay Kuya Aramis, kina Ate Oli
at isama mo pa si Ate P at si Ate Dhel.
Buong elementary
days ko ata parang wala araw na wala akong assignment. Buti na lang
mabait sila Nanang, kulang na lang kase matulog na ko sa bahay nila.
Dahil sa kakaantay kina Ate Oli para me makatulong ako gumawa ng
assignment. Minsan iniiwan ko na din sa lamesa nila yung i-le -lettering
na album ko sa English at dadaanan ko na lang bago ko pumasok. Ilang
araw na lang at trenta na 'ko. At ate na rin. Kaya sa akin na
nagpapatulong yung kapatid ko, mga pinsan at mga kakilala pag dating sa
assignment. Minsan alam ko gawin, minsan naman hindi. Mahirap talaga
yung assignment lalo na kapag matanda ka na at di mo na naalala lahat ng
sagot. Umuwi ako ng Cavite, gabi na pero si Nanay gising
pa. May assignment daw kase si Josh sa Filipino na hindi pa nagagawa.
Pinuntahan ko si Josh para tanungin kung ano yung assignment nya. Meron
nga daw pero ok na. Tinanong ko bat ok, kase nga ang sabi ng Nanay di
pa sya tapos. Ang assignment pala nya "tanungin ang lolo o kaya lola
kung may alam sila na "awiting bayan" isulat at ibahagi sa klase. Kaya
ok na, kase tinanong nya na daw si Nanay at wala naman daw alam na
awiting bayan kaya "wala" ang sagot nya. Pasaway. Inabot kami ng alas onse para lang maghanap sa mga libro ng sample ng awiting bayan. Nung
isang beses naman si Apol. Umuwi at me mga dalang kartolina, art paper
at glue. Malamang mag re-report 'to. May ipapasulat sa akin. Kaya lang
mali ang akala ko.Gagawa pala sya ng family tree. Assignment sa Values
Ed, "share something about your family" ang tema para sa klase bukas.
Mahirap yan. Madami kaming magkakapatid at iba-iba ang nanay namin. Sa
una, 3 kami. Sa pangalawa-isa. At sa pangatlo-isa. Blended family, sabi nga dun sa librong nabasa ko. Nung una mahirap tanggapin pero nung lumaon naintindihan ko din. Pag
bata ka kase, gusto mo ng ideal. Yung may nanay, tatay, mga kapatid at
bahay na may hardin sa gilid na pwedeng pagtaniman ng kamatis. Tulad ng
mga drowing sa libro. Pero hindi kami ganun. Mahirap
palang gumawa ng family tree na andaming sanga. Imbes na normal na puno
yung idro-drowing mo kailangan mo syang lagyan ng mga ekstrang sanga
para lahat represented sa family tree. Inilabas namin yung mga album
para gumupit ng pictures. Sinimulan na naming buuin. Kaya
pag tinatanong ako kung ilan kaming magkakapatid, ang tanong ko agad sa
kanila "kaninong nanay po ba?" Yung iba nagugulat, yung iba naman hindi.
Masarap pa ring umuwi sa bahay na maingay. May chicken curry at
sandamukal na pinya o kaya naman melon sa ref ( kase parating me "fruit
craze" si Papa). May kaagaw ka sa remote ng TV at pag Linggo -
gigisingin ka ng mga sunday songs. Madalas din ang room check para
malaman kung lahat ba kami nasa bahay na. Makalat at minsanan ang
general cleaning lalo na kapag busy ang lahat. At tabi-tabi muna sa kama
pag may mga bisita. Di man kami magkakamukha eh iisang dugo at laman
pa din ang nanalaytay sa mga katawan namin. Pamilya. Kaya kahit mahirap
gawin ang family tree, tinapos namin yung assignment ni Apol. Ikaw, nakagawa ka na ba ng family tree? You don't choose your family. They are God's gift to you, as you are to them.
~ Desmond Tutu (galing sa FB notes...)
Posted at 8:06 pm by gorjus_gracie
Permalink
| |
Wednesday, March 23, 2011 |
Nakita ko si Manong Ayong. Dati namin syang kapitbahay sa
Paterno. Pagkakarpintero ang alam kong trabaho ni Manong Ayong, pero
ngayon mukhang isa na syang "foreman". Kumbaga eh "boss" na sa
construction site. May nagpapagawa kase ng bahay dito malapit sa amin at
madalas kong naririnig ang boses nya na nag-tuturo sa mga ibang
karpintero.
Umaga pa lang maririrnig mo na yung mga boses
nila pati ang pagpukpok ng mga martilyo. Paghahakot ng mga semento at
hallow blocks. Pagbasak ng mga bakal na ginagamit sa paglalagay ng
poste. At mga lalaking naka takip ang mukha habang nagtratrabaho. Pero
pag break nila makikita mo naman sila sa tapat ng tindahan, nakaupo sa
sidewalk at nagmemeryenda. Kapag kumuha ka ng karpintero
para gumawa ng bahay o kaya naman eh may ipapa-repair sa bahay mo, di mo
naman sya tutulungan. Kase bukod sa binayaran mo sya para sa serbisyo
nya eh wala ka naman alam sa pagkakarpintero. Makaka-abala ka lang kung
ipipilit mo na tulungan sila. At kahit gaano pa katagal nya gawin yun,
ang kailangan mo lang talaga gawin ay ang maghintay na matapos yung
trabaho. Mag intay at makita ang finished product. Nakaka-inip maghintay no? Lalo na kapag late yung kausap mo. O
kaya naman, sa mga kasalan na napupuntahan ko, 1 hanggang 2 oras
advance bago pa yung totoong seremonya. Para lahat na ng mga ninong,
ninang at mga abay kumpleto bago pa maglakad sa aisle yung bride. Sa
jeep, kapag pinupuno muna ng barker bago paandarin ni manong driver.
Sayang daw kase ang gasolina kung papatakbuhin mo ng walang sakay. Pila
sa parlor, bago ka makapagpagupit kailangang tapusin muna ni Ache yung
naunang customer bago ikaw. Kaya dun ka muna ke ate na taga shampoo o
kaya magbasa ka ng mga lumang magasin. Kelan kaya matatapos yung bahay sa kabila? Maingay man sila buong maghapon, excited pa din akong makita yung bahay. Ikaw, kaya mo bang maghintay? Katulad ng paghihintay sa Diyos. Matagal pero kailangan mong magtiwala. Mas alam Nya kase kung anong "ok" at hindi. At kapag nag-iintay ka, umaasa ka ng sagot. When
we wait upon the Lord, we find ourselves looking to Him to help for
some specific need. There is a conscious expectation that He will help
us out in that special need. We do not have control over the
circumstances and therefore are looking to His provisions, His
protection, etc. In each case, though, it is good to notice our
special need, recognize that He can help us in that area and then cast
our hope in Him.
- Paul J. Bucknell (galing sa FB notes...)
Posted at 8:32 pm by gorjus_gracie
Permalink
| |
Friday, December 24, 2010 |
‘Check the label’ - yan ang komersiyal sa TV ng isang kumpanya.
Hinihikayat na basahin ang iteketa ng mga binibili para malaman kung
talaga nga bang nakabubuti ang produkto na binibili mo. Mapa-gatas,
sabon o kahit anong gamit may nakadikit na iteketa sa katawan. Doon mo
kase malalaman yung mga sangkap na ginamit sa paggawa ng produkto,
manufactured at expiration date at ang pangalan at address ng kumpanyang
gumawa ng produktong ginagamit mo ngayon.
Kung mapapansin
nyo, madami ng nagbebenta ng mga bagay na walang "label". Kapag bumili
sa Divisoria, sasabihin ni Aling Tindera na pare-pareho lang daw yun
at ang nagpapamahal lang ay yung iteketa. Ekstrang papel at sulat na di
mo naman naiintindihan ang laman. Kase kung hindi Ingles, ay ibang
salita yung nakalagay kaya di mo rin mababasa. Sabi naman ng DTI
importante ang iteketa para alam mo kung sino at anong kumpanya ang
hahabulin mo kapag nagkaroon ng aberya ang mga produktong nabili mo. Eh
bat di kaya gawin na lang parallel? Me Ingles at Filipino para mas
madali. O pwede ring drowing na lang? Para alam mo na agad kung pano
gamitin. Ginagamit din natin ang label sa mga tao.
Tinatawag natin sila sa ibang pangalan para di halata. Maaring positibo
pero mas madalas na negatibong komento ang maririnig mo. Kapag
nakakita ka ng isang tao, kilala mo man o hindi hindi natin mapigilan
na lagyan sya ng label. Ahh yan mabait, eto naman mataray, mukhang
pasaway o kaya naman simple pero me dating. Para bang sa
bawat kilos mo ay dapat kang patunayan. Na kung totoo o hindi ang pag
husga nila sayo ay daig mo pa ang tumatapak sa balat ng itlog. Likas na
sa atin na humusga at mahusgahan. Pilit na kinukumbinse ang sarili na
dapat me marating ka, maging titulado. Magkapangalan at ng may maikabit
bukod sa Miss at Misis. Maaring CEO, COO or Secretary, Usec, Director o
kung ano pa man. Label na ibinibigay ng ibang tao o maski ikaw na
mismo. Pero may kilala ako na na kahit ano pang label mo, expired ka
man o best before date seal, mamahalin ka pa din nya. Si Hesus kaya, anong label nya para sayo? (galing sa FB notes...)
Posted at 10:55 pm by gorjus_gracie
Permalink
| |
Saturday, December 11, 2010 |
Hindi naman ako madalas
magkasakit, maski nung bata pa ko.Minsan isang taon lang ako magkasakit
noon. Kaya lang yung minsan na yun - grabe naman. Yung mga tipong isang
linggo akong absent sa school dahil sa H-fever.
Pero
ngayon, tatlong taong sunod na na-oospital ako. Mahirap pala. Akala ko
dati andali lang kapag nasa ospital ka, mas mabilis kang gagaling kase
napapaligiran ka ng gamot at mga duktor. Yun pala baligtad. Di ka halos
makapagpahinga kapag madaming dumadalaw sayo o kaya naman andyan yung
mga nurses na panay ang kuha ng dugo o kaya "vital signs" sa gitna ng
gabi. Halos lahat ng gamot ko tinuturok sa IV, ramdam mo agad sa mga
ugat mo yung hapdi ng gamot. Takot rin kase ako sa karayom. Pag itutusok
na yung IV sadya akong pipikit para di ko makita yung lalim ng tusok ng
duktor sa ER. Naalala ko tuloy yung bata sa ER. Magkatabi kami ng kama
at tela lang ang pagitan naming dalawa. Tutusukan na din sya ng IV nun,
at narinig ko yung mama nya na kumanta ng "Baby, baby, baby, ohLike
baby, baby, baby, no Like baby, baby, baby, oh" ni Justin Beiber.
Sumabay naman yung bata, yun nga lang paiyak yung version nung kinakanta
na nya. Dalawang beses ko nang isinugod ang sarili ko sa
ospital. Dalawang beses na rin akong pinagalitan ng duktor. Bawal pala
yun. Bawal pala na wala kang kasama pag -iaadmit ka. Kase wala daw
mananagot kapag may nangyari sayo habang di ka pa nasusuri ng duktor sa
ER. Nagkakataon kase na wala ang mga kapatid ko sa bahay kaya wala
talaga ko makasama. Yung una, concert kase ng Eheads. Yung pangalawa
naman wala pa ang ate ko sa bahay kaya mag isa akong pumunta ng ospital. Ayoko
mag exercise. Ayoko mag gym. Ayoko mag jogging. Basta ayoko. Pakiramdam
ko kase magbabayad ako sa mga "fitness center" tapos papahirapan lang
ako. Di rin kami close ng mga gulay. Bihira akong kumain ng gulay at
isda. Yung sa mga gulay, pakiramdam ko naka-quota na ko sa pagkain sa
kanila nung bata pa lang ako. Sa isda - ayoko ng isdang "basa".
Nalalaglag kase yung laman nya at nasanay lang talaga ako sa prito. May
allergy din ako sa mga isdang di ko kilala. Kaya dapat bago ko sila
kainin, magpakilala muna sila sa akin. Sa prutas naman - pwede bang
manggang hilaw lang? Pero alam ko na kailangan ko ng
exercise, gulay, prutas at isda. Alam ko na makakabuti yun para sa akin.
At alam ko din na mas magiging malusog ako at posible na madagdagan pa
ng taon yung buhay ko sa mundo kung gagawin ko ito ngayon. Me isa pa
akong ayaw...ayaw ko ng magkasakit. (galing sa FB notes...)
Posted at 7:31 pm by gorjus_gracie
Permalink
| |
Saturday, November 27, 2010 |
Pag naririnig ko ang salitang "rainbow" dalawang bagay lang ang naalala ko. Si Rainbow Brite at ang Pot of Gold.
Si
Rainbow Brite yung batang blondie at makulay ang damit. Kulay bahaghari
ang damit at sapatos nya at habang nakasakay kay Starlite. Ang kabayo
ni Rainbow Brite na kulay rainbow din buhok at buntot. Sa bawat
episode nito noon, wala ka dapat palalampasin kung hindi laos ka na sa
mga kakalase mo. Halos lahat kase ng mga batang babae noon paborito sya. Kumbaga
sa payabangan, eh ikaw ang upper hand kapag alam mo lahat at
naiku-kwento mo sa kanila lahat ng nangyari sa palabas. Pauso din nung
iba yung pagkain ng Jellyace. Si RB kase ang pabalat ng mga gelatin,
yung nasa maliliit na lalagyan at kulay "rainbow" ang laman. Feeling ko
noon kapag nakain ko lahat ng Jellyace eh magiging katulad nya ko. Hindi
naman pala, mapapagalitan lang ako ni tita kase di ako nagtira para sa
iba. Nakapag suot na din ako ng mahabang medyas na iba-iba
ang kulay sa may bandang binti. At minsan ko na ring kinulayan yung mga
notebook ko ng kulay rainbow para lang maging "in" sa mga kaklase ko.
Sabi ng teacher ko para daw madaling matandaan yung rainbow colors,
sauladuhin ko ang R-O-Y-G-I-V-I-B (Red, Orange, Yellow, Green, Blue,
Indigo, Violet - in order na yan, para ma-memorize ko.) At para kapag
nawalan ng kulay ang mundo - alam ko kung pano ito kokoloran. Sabi
nila sa dulo daw ng bahaghari ay may nag iintay na kayamanan. Minsan ko
na rin binalak na puntahan ang dulo nito nung umuwi ako ng probinsya.
Pinilit kong sundan at tanawin ang dulo. Pakiramdam ko kase
anlapit-lapit lang nya pag nakatanaw ka sa bintana. Yun pala malayo.
Nakakapagod palang puntahan ang dulo, tila pa biglang napapawi ang arko
ng mga kulay kung kailan malapit na ko. Sayang, nakuha ko na sana yung
kayamanan. Siguro halos lahat ng tao hinahangad na
yumaman. Di man para sa sarili pero para sa iba, sa pamilya kaibigan at
mga kapus palad. Madalas na-iinterbyu yung mga taong nakapila sa mga
"Lotto Outlets" at iisa nag maririnig mo sa kanila - gusto kong tumama
para makatulong. Simple man o me katungkulan mariringgan mo na tumataya
na din. Wala naman daw masama, malay mo manalo. Di ako
tumataya sa lotto. Pero tinataya ko ang buhay ko sa kamay Nya. Sya kase
ang higit na nakakaalam ng pangangailangan ko. Walang katiyakan ang
paghabol sa dulo ng bahaghari o ang manalo sa lotto. Pero nakatitiyak
ako na kapag sinabi ko sa Kanya lahat ng laman ng puso ko. Sasagot Sya. That's
why I urge you to pray for absolutely everything, ranging from small
to large. Include everything as you embrace this God-life, and you'll
get God's everything. -Mark 11:24 The Message
(galing sa FB notes...)
Posted at 11:46 am by gorjus_gracie
Permalink
|